Home ENTERTAINMENT Ibyang, naglabas ng ebidensya, di hiwalay sina Arjo at Maine!

Ibyang, naglabas ng ebidensya, di hiwalay sina Arjo at Maine!

153
0

Manila, Philippines – Para tapusin na ang walang humpay na tsismis tungkol sa paghihiwalay nina QC Rep. Arjo Atayde at Maine Mendoza, mismong si Sylvia Sanchez na ang naglabas ng katibayan.

Such clear proof debunks such rumors — na maituturing na fake news.

Mismong ang actress-film producer at ina ni Arjo ang nagbahagi sa Instagram ng ilang larawan na kuha sa isang recent family celebration.

Ito’y ang anniversary nila ng asawa at negosyanteng si Art Atayde.

Dumalo roon sina Arjo at Maine, maging ang mag-asawang Ria Atayde at Zanjoe Marudo kasama ang kanilang anak na si Sabino.

Bukod sa kanila, present din si Gela Atayde at rumored boyfriend nitong si Zaijan Jaranilla, at ang bunso ng mag-asawang Atayde na si Xavi.

Ang caption ni Sylvia ay: “Thank you, kiddos, for surprising us last night.

“Love you all! Happy anniversary again, my husband Art — pangit! Love you most!”

Mababasa sa comment section ang panupalpal ng mga Arjo-Maine supporters sa mga bashers at haters who insist they have broken up.

Matatandaang absent si Maine sa nakaraang family affair — a photo of which was posted and later taken down by Bayani Agbayani.

May sakit umano si Maine — pahayag na kinumpirma ni Chuck Gomez, ang publicist ng pamilya Atayde.

Kaya malinaw na ngayon.

Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here