MANILA, Philippines – Sinabi ng isang opisyal ng Bureau of Immigration (BI) nitong Miyerkules na walang rekord na nagpapakitang umalis ng bansa ang puganteng negosyanteng si Atong Ang.
Sa mensahe sa media, sinabi ni BI spokesperson Dana Sandoval, “We have no record of travel.” Dagdag pa niya, “(We have) centralized database so all records.”
Nang tanungin kung posibleng nasa ibang bansa si Ang at nakaalis ng Pilipinas nang hindi dumaan sa regular ports, sumagot si Sandoval ng, “Most probably.”
Ang pahayag ay matapos sabihin noong Martes ni Interior Secretary Jonvic Remulla na may impormasyon ang mga awtoridad na nasa Vietnam si Ang.
Hinahanap si Ang kaugnay ng umano’y pagkakasangkot nito sa kaso ng mga nawawalang sabungero. RNT