Home NATIONWIDE Sen. Dela Rosa, Alan Cayetano may pinakamaraming absent sa Senado

Sen. Dela Rosa, Alan Cayetano may pinakamaraming absent sa Senado

137
0

MANILA, Philippines – Pinakamaraming absent sa mga sesyon ng Senado sa 20th Congress sina Senator Ronald “Bato” Dela Rosa na may 31 hindi nadaluhang session days, habang pumangalawa si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano na may 14, batay sa official attendance records na inilabas nitong Miyerkules.

Makikita sa mga rekord na ibinahagi ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri sa media na 27 sa 58 session days lamang ang nadaluhan ni Dela Rosa, habang si Cayetano ay may 20 present days.

Ang mga pagliban ni Dela Rosa ay naitala matapos lumabas noong Nobyembre 2025 ang mga ulat hinggil sa posibleng International Criminal Court (ICC) arrest warrant laban sa kanya.

Saklaw ng attendance report ang First Regular Session mula Hulyo 28, 2025 hanggang Marso 18, 2026, at nakabatay sa roll calls, official missions, at naitalang absences ng mga senador.

Ilang senador naman ang nagtala ng perfect attendance o walang kahit isang absent, kabilang sina Senate President Vicente Sotto III, Senators Jinggoy Estrada, Robin Padilla, at Joel Villanueva, na pawang dumalo sa lahat ng 58 session days.

Mataas din ang attendance nina Senators Risa Hontiveros, Panfilo Lacson, Juan Miguel Zubiri, at Erwin Tulfo, na may tig-56 present days.

Samantala, si Senator Camille Villar ay may 16 absences, na ayon sa ulat ay kabilang ang mga panahong siya ay nasa maternity leave. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here