Home METRO Kauna-unahan free chemotherapy center sa Laguna, binuksan

Kauna-unahan free chemotherapy center sa Laguna, binuksan

132
0

MANILA, Philippines – Binuksan ng pamahalaang panlalawigan ng Laguna nitong Miyerkules ang kauna-unahan nitong chemotherapy center sa Laguna Medical Center sa Santa Cruz, bilang hakbang para mapalawak ang access sa gamutan ng mga pasyenteng may cancer sa lalawigan.

Sa isang pahayag, sinabi ni provincial information officer Danilo Lucas na nag-aalok ang pasilidad ng libreng serbisyo para sa mga kwalipikadong pasyente, bilang patunay ng pagsusulong ng pamahalaang panlalawigan ng inclusive healthcare.

“The newly established facility is expected to ease the burden of patients who previously had to travel outside the province for chemotherapy treatment,” ayon kay Lucas.

Dagdag pa niya, makatatanggap din ang mga pasyente ng libreng kalahating kaban ng bigas upang makatulong sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan habang sumasailalim sa gamutan at nagpapagaling.

Upang makapag-avail ng serbisyo, kinakailangang magparehistro ang mga pasyente sa Provincial Health Office at kumuha ng appointment sa isang oncologist para sa assessment at treatment planning.

Ang proyekto ay naisakatuparan sa pamamagitan ng pagtutulungan ng Provincial Health Office, Laguna Health Team, at We Hope Medical Group.

Sa isinagawang inagurasyon, ipinahayag ni Laguna Governor Sol Aragones ang kanyang kagalakan sa pagbubukas ng pasilidad. “We’re happy. Success! The first chemotherapy center we promised in Laguna is now here,” aniya. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here