MANILA, Philippines – Nanawagan nitong Miyerkules ang multisectoral group sa pambansang pamahalaan na agad magpatupad ng mas matitibay na hakbang upang maprotektahan ang mga consumer ng langis at kuryente habang lalo pang lumalala ang krisis sa enerhiya, limang linggo mula nang sumiklab ang emergency bunsod ng digmaan ng Estados Unidos at Israel laban sa Iran.
Pinangunahan ng Power for People Coalition (P4P), sinabi ng mga grupo na kulang ang mga pahayag ng Marcos administration at Department of Energy na kontrolado ang fuel inventories dahil hindi nito natutugunan ang hirap ng mga consumer na hindi na makabayad sa kanilang pangangailangan sa enerhiya.








