Home ENTERTAINMENT Jake at Rabiya, mag-MU na!

Jake at Rabiya, mag-MU na!

141
0

Manila, Philippines — Pagkatapos ng sightings kina Jake Cuenca at Rabiya Mateo sa birthday ng isang bagets at sa date nila sa BGC, hindi na sila tinantanan ng mga tsismosang kapitbahay.

Naging usap-usapan din ang landian o palitan nila ng sweet messages sa socmed kamakailan.

Katunayan, may mga nag-opinyon na sobrang inspired ang beauty queen sa kanyang lovelife nang makapanayam siya sa isang show.

Sey pa niya, ang puso raw niya ay kuntento at in a happy place sa kasalukuyan.

Ibig sabihin, may nagpapasaya sa kanya bagama’t hindi niya tinumbok kung si Jake ito.

Sa programa naman ni Ogie Diaz, natalakay ang isyu tungkol sa dalawa.

Ayon naman kay Mama Loi, minessage daw niya ang aktor hinggil sa diumano’y pagkakamabutihan nila ng beauty queen.

Deretsahan namang inamin ni Jake ang tungkol sa kanila ni Rabiya.

Sey daw ng aktor: “Yes, it’s true. It’s safe to say that she really makes me happy and we’re exclusively dating at the moment.”

Ay, mag-MU na. Archie Liao

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here