Home NATIONWIDE Trump: 2-linggong ceasefire, “total and complete victory” ng US

Trump: 2-linggong ceasefire, “total and complete victory” ng US

115
0

MANILA, Philippines – Iginiit ni US President Donald Trump na nakamit ng Amerika ang “total and complete victory” matapos mapagkasunduan ang dalawang linggong ceasefire deal sa Iran, kasabay ng pahayag na maaari itong humantong sa mas pangmatagalang kasunduan.

Iniulat din ng Reuters, batay sa panayam ng AFP, na sinabi ni Trump na posibleng may naging papel ang China sa paghikayat sa Iran na makipagnegosasyon, at na ang enriched uranium ng Tehran ay “perfectly taken care of.”

Sa panayam sa telepono ng AFP, sinabi ni Trump, “Total and complete victory. 100 percent. No question about it,” kahit nananatili ang mga tanong sa eksaktong nilalaman ng ceasefire at kung gaano ito katatag.

Nabuo ang kasunduan halos isang oras bago sumapit ang itinakdang deadline ni Trump para sa posibleng mas matinding aksyon laban sa Iran.

Ayon pa kay Trump, may mas malawak nang balangkas para sa susunod na negosasyon.

“We have a 15 point transaction, of which most of those things have been agreed on. We’ll see what happens. We’ll see if it gets there,” ani Trump. Nang tanungin kung babalik siya sa mga nauna niyang banta kapag bumagsak ang kasunduan, sinabi niyang, “You’re going to have to see.”

Tungkol naman sa enriched uranium ng Iran, sinabi ni Trump, “That will be perfectly taken care of, or I wouldn’t have settled,” bagaman wala siyang ibinigay na tiyak na detalye kung paano ito isasagawa. Ayon sa mga ulat, ang ceasefire ay kasunod ng mahigit isang buwang mga pag-atake na kinasangkutan ng United States at Israel, at namagitan dito ang Pakistan.

Inaasahang bumiyahe si Trump sa Beijing sa kalagitnaan ng Mayo para sa summit kasama si Chinese President Xi Jinping. Itinuturing na malapit na kaalyado ng Iran ang China at isa rin ito sa pangunahing bumibili ng Iranian oil na malaking bahagi ay dumaraan sa Strait of Hormuz. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here