LUMILITAW na pekeng rescue o pagliligtas ng isang pilotong Kano ang ginawa ng mga sundalong Kano sa Iran nitong nagdaang araw.
Ginawa ang “pagliligtas” malapit sa Isfahan nuclear plant at sinabing nakuha nila ang piloto ng pinabagsak ng Iran na F-15 fighter plane.
‘Yun pala, sinubukan umano ng mga Kano na kunin ang binubuong sangkap sa paggawa ng bombang nukleyar ng Iran.
Suspetsa nina US President Donald Trump, naroon sa lugar ang isang container na naglalaman ng uranium para sa bombang nukleyar at ito ang tunay na layunin ng “rescue mission.”
Ang problema, hindi nila natantiyang may mga pwersa ng Iran sa paligid, kasama ang maraming sibilyang armado na pabor sa Iran laban sa US at Israel.
Hayun at 2 malalaking eroplanong C-130 ang nawasak, kasama ang 2 Black Hawk helicopter at 1 A-10 Warthog na isang attack plane at iba pa.
Nakatakas naman umano ang mga Kano, kasama ang “piloto”, ngunit hanggang ngayon walang palatandaan na may piloto ngang naligtas dahil walang anomang interbyu rito ang media.
Ayon sa mga sumusubaybay, hindi maglulunsad ang mga Kano nang pagliligtas ng nag-iisang piloto nang may mga gamit na ganyang karami at may mahigit 100 sundalo.
Makaraan ang pangyayari, hindi lang pumalpak ang rescue operation kundi larawan umano ito ng tiyak na kahaharaping panganib ng mga Kano sa plano nitong paglulunsad ng ground invasion sa Iran upang makuha nito ang langis na pangatlong pinakamayaman sa buong mundo.
Nais ulitin ni Trump ang ginawa nito sa Venezuela na may pinakamalaking deposito ng langis sa buong mundo.
Kinidnap nito si Venezuelan President Nicolas Maduro saka kinontrol ang langis nito para pagkakitaan gaya ng pagpepresyo rito ng $60 kada bariles mula sa dating $30 kada bariles lamang.
Ano sa palagay ninyong epekto sa Pinas kung magtagumpay ang US na kunin ang langis ng Iran?






