Home NATIONWIDE Kuwait, pumalag sa drone attacks ng Iran

Kuwait, pumalag sa drone attacks ng Iran

105
0

MANILA, Philippines – Kinondena ng Kuwait ang sinasabing drone attacks ng Iran at mga kaalyado nito sa mahahalagang pasilidad sa bansa nitong Huwebes ng gabi, at tinawag itong paglabag sa soberanya at airspace nito, ayon sa pahayag ng Kuwaiti foreign ministry.

Mas maaga noong araw na iyon, iniulat ng state news agency ng Kuwait na tinamaan ng mga drone ang isang National Guard site na nagdulot ng matinding pinsalang materyal ngunit walang nasaktan.

Sa magkahiwalay na ulat, sinabi ring rumesponde ang air defenses ng Kuwait laban sa mga hostile drone na tumarget sa mahahalagang oil facilities, power stations, at water desalination plants.

Ayon sa Kuwait, pinahihina ng naturang mga pag-atake ang regional stability at nangyari sa kabila ng nagpapatuloy na mga pagsisikap na mapigil ang mas malawak na sigalot sa Middle East. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here