Home NATIONWIDE Malalaking personalidad sa flood control scandal ibubunyag ni Singson sa Senate inquiry

Malalaking personalidad sa flood control scandal ibubunyag ni Singson sa Senate inquiry

104
0

MANILA, Philippines – Babalik at nakahandang humarap sa Blue Ribbon Committee ng Senado si dating Ilocos Sur Governor Chavit Singson para magsumite ng kanyang affidavit kaugnay sa maanomalyang flood control projects.

Sinabi ni Singson na may mga ‘malalaking personalidad’ sa flood control probe na kasama sa kanyang ibubunyag ngunit hindi na ito pinangalanan pa o binanggit sa panayam.

Sakali aniyang maimbitahan siya ulit para sa Senate inquiry ay handa naman siyang bumalik.

Ang pahayag ni Singson ay makaraang hindi natuloy ang nakatakda sana niyang pagharap sa Senado noong Abril 7.

Nang tanungin kung senador, kongresista, o alkalde, sinabi ni Singson na mas nais niyang ibunyag ang mga pangalan sa mismong pagdinig upang hindi ito ma-preempt.

Ipinagpaliban ng Senate Blue Ribbon Committee ang pagdinig habang hinihintay ang pagsusumite ng sinumpaang salaysay ni Singson at ang paglagda ng hindi bababa sa lima pang miyembro sa kanilang partial report.

Nilinaw ni Singson na wala siyang kasalanan sa pagpapaliban ng naturang pagdinig.

“Ang sabi sa akin pupunta ako dun [Abril 7] hanggang alas-5 ng hapon. Alas-9 [ng umaga], may sulat na hindi na matutuloy. So wala akong kasalanan doon. Nakahanda po ako,” aniya. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here