Home NATIONWIDE AHON bill, magandang panukala subalit kailangang pag-aralan – Malakanyang

AHON bill, magandang panukala subalit kailangang pag-aralan – Malakanyang

109
0

MANILA, Philippines – Para sa Malakanyang, isang magandang panukala ang Agapay sa Hanapbuhay at Operasyon ng Negosyo (AHON) bill subalit nangangailangan ito ng masusing pag-aaral.

Sinabi ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na ang AHON bill, isang panukalang economic relief package sa gitna ng tensyon sa Gitnang silangan ay dapat na rebisahing mabuti, isinasaalang-alang pa na ito ay mangangailangan ng pondo.

“Maganda po iyan pero nangangailangan po rin iyan ng supplemental budget so tingnan po natin,” ayon kay Castro.

Ang panukalang batas ni Manila 2nd District Rep. Rolando Valeriano ay naglalayon na magbigay ng 3,000 monthly assistance sa middle-income earners at mag-alok ng interest-free loans ng hanggang P250,000 para sa micro, small and medium enterprises.

“Hindi po ito pangit na bill. Maganda po siya pero siyempre kinakailangan pong pag-aralan po iyan kung saan din kukunin iyong budget kasi bago po ito, hindi po siya kasama sa 2026 GAA,” ang litaniya ni Castro.

Ani Castro, bukas ang gobyerno sa panukalang batas na mapakikinabangan ng publiko kabilang na ng middle class.

Gayunman, binigyang diin ni Castro na ang panukala ay kailangan munang suriing mabuti, sabay sabing hindi pa narerepaso at nabubusisi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang opisyal na bersyon ng panukalang batas.

“Kung anuman ang kahihinatnan po niyan at makakabuti po ito sa taumbayan especially sa middle class, hindi po naman iyan tututulan ng Pangulo. Pero as of now, kailangang makita po iyong pinaka-version po ng Pangulo,” ang sinabi ni Castro. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here