MANILA, Philippines – Nakasabat ng mahigit P2.5 bilyong halaga ng iligal na droga ang Bureau of Customs – Enforcement and Security Service (BOC-ESS) sa unang bahagi ng taon.
Sa kalatas nitong Sabado, Abril 11, sinabi ng BOC na naitala ang P2.52 bilyon ng dangerous drug seizures mula sa 214 operasyon sa buong bansa mula Enero 1 hanggang Marso 31 ngayong taon.
Sinundan nito ang malakas na performance noong 2025 sa mahigit P5 bilyon ng pagkakakumpiska at 794 na naharang na kargamento na may mahigit P699 milyong iligal na droga.
Pinuri naman ni BOC Commissioner Ariel Nepomuceno ang ESS sa “dedicated, courageous, and high-risk service in support of the bureau’s enforcement mandate” nito.
“These accomplishments include significant interceptions involving illegal drugs, illicit cigarettes, and smuggled agricultural products, reflecting the unit’s critical contribution to safeguarding national security and economic stability,” dagdag pa niya. RNT/JGC