Home NATIONWIDE Expanded WFH flexibility sa RBEs ikinatuwa ng IT-BPM group

Expanded WFH flexibility sa RBEs ikinatuwa ng IT-BPM group

81
0

MANILA, Philippines — Ikinatuwa ng Information Technology and Business Process Association of the Philippines (IBPAP) ang pag-apruba sa pinalawak na work-from-home (WFH) setup para sa mga registered business enterprises (RBEs).

Sa ilalim ng FIRB Resolution 005-2026, pinapayagan ang hanggang 90% WFH arrangement para sa mga empleyado ng RBEs, depende sa ipatutupad ng investment promotion agencies (IPAs).

Ayon kay IBPAP president at CEO Jack Madrid, patunay ito ng epektibong ugnayan ng gobyerno at industriya sa paglikha ng praktikal na solusyon.

Sinabi ng IBPAP na makakatulong ang hakbang upang mapagaan ang gastusin ng mga kumpanya at empleyado, lalo na sa gitna ng tumataas na gastos sa transportasyon.

Dagdag pa, magbibigay ito ng mas flexible na work setup, habang natitiyak ang tuloy-tuloy na serbisyo sa mga kliyente sa ibang bansa.

Nauna nang iminungkahi ng IBPAP ang mas maluwag na WFH policy upang matugunan ang posibleng epekto ng pagtaas ng presyo ng langis sa operasyon ng sektor.

Sa ilalim ng resolusyon, maaaring magtakda ang IPAs ng mas mababang threshold na hindi bababa sa 50% onsite workforce, depende sa uri ng operasyon ng kumpanya. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here