Home NATIONWIDE Kalahati sa sasakyan ng gobyerno planong palitan ng electric vehicles

Kalahati sa sasakyan ng gobyerno planong palitan ng electric vehicles

120
0

MANILA, Philippines – Pinag-aaralan ng House mega panel na tumatalakay sa krisis sa enerhiya ang panukalang palitan ang kalahati ng fleet ng mga sasakyan ng gobyerno ng electric vehicles (EVs), ayon kay Marikina Rep. Miro Quimbo.

Ayon kay Quimbo, napag-usapan ito sa unang pagdinig ng multi-committee Legislative Energy Action Development (LEAD) Council.

“We discussed during the first hearing to practically require that at least half of our government vehicles be swapped to their electric counterparts,” ani Quimbo.

Layunin ng panukala na maging bahagi ng mas malawak na pangmatagalang plano upang mabawasan ang epekto ng paulit-ulit na oil price shocks sa ekonomiya.

Giit niya, ito umano ang isa sa pinakamabilis at praktikal na hakbang upang bawasan ang pagdepende ng transport sector sa petrolyo.

Binigyang-diin din ni Quimbo na bagama’t kaunti lamang ang diesel sa power generation sa bansa, nananatiling malaki ang pag-asa ng transport sector sa langis.

Dahil dito, sinabi niyang kailangang pabilisin ang paglipat sa non-petroleum energy sources tulad ng renewable energy, solar, at battery production.

“So instead of being petroleum-based, what incentives do we need to put in place in the economy to encourage various industries such as renewable energy, like solar and batteries, so that we are no longer dependent on oil?” aniya.

Ang LEAD Council, na binubuo ng 13 komite ng Kamara, ay nagsisilbing sentro ng pagbalangkas ng mga agarang solusyon at pangmatagalang reporma para mabawasan ang oil dependence at mapatatag ang ekonomiya laban sa global energy shocks. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here