Home ENTERTAINMENT Mark, nag-chat kay Alvin sa gay-lesbian stand, no reax!

Mark, nag-chat kay Alvin sa gay-lesbian stand, no reax!

85
0

Manila, Philippines – Kauna-unawa kung bakit ganoon na lang kung depensahan ni Mark Herras ang LGBTQIA+ community–he was raised by gay parents.

Kaya ganoon din lang ang inis niya sa kapwa Starstruck alumnus na si Alvin Aragon dahil sa anti-gay/ lesbian stand nito.

Mismong si Mark ang nagkumpirma sa PEP na nag-send siya ng message kay Alvin nang

magpakawala ito ng pahayag laban sa nasabing komunidad.

Hindi daw sumagot si Alvin–tanda marahil ng pagsang-ayon sa paniniwala ni Mark base sa kanyang personal na karanasan.

Si Mark ay pinalaki’t inaruga ng gay couple–ang uncle niya at karelasyon nito na parehong pumanaw na.

Ganoon na lang ang pagmamahal at respeto ni Mark sa dalawang taong ‘yon.

Aminado si Mark na ikinapikon niya ang tinuran ni Alvin.

Katwiran ni Mark, regardless of religion ay tanggap tayo ng Diyos: “Kung anuman ang experience mo sa LGBTQIA+, ikaw ‘yon ‘tol.

Hinayaan mo ‘yon. Hindi puwede ‘yung wala kang nagawa!”

Wala daw natanggap na reply o reaksyon si Mark mula kay Alvin.

Tameme! Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here