Home METRO 3 utas sa araro ng trailer truck sa Cebu

3 utas sa araro ng trailer truck sa Cebu

101
0

CEBU, Philippines – Patay ang tatlong katao sa Mandaue City, Cebu matapos araruhin ng isang trailer truck ang ilang motorsiklo habang nagmamaniobra sa paakyat na bahagi ng kalsada.

Sapul sa CCTV footage na huminto ang truck sa paakyat na bahagi ng daan bago ito umatras at mabangga ang ilang motorsiklong nasa likuran nito.

Muli umanong nagtangkang magmaniobra ang driver, ngunit nabangga rin nito ang isang motorsiklo sa gilid ng kalsada.

Dead on the spot ang isang motorcycle rider at angkas nito, habang nasawi rin makalipas ang insidente ang isa pang rider.

Inihahanda na ang reklamo laban sa truck driver, na humingi ng tawad sa mga pamilya ng mga biktima.

Iginiit ng driver na napreno siya dahil umano sa mabilis na takbo ng ibang sasakyan sa kurbadang bahagi ng kalsada, ngunit nagkaaberya raw ang preno ng truck. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here