Home NATIONWIDE 2,500 OFWs mula MidEast, aayudahan ng DSWD

2,500 OFWs mula MidEast, aayudahan ng DSWD

109
0

MANILA, Philippines – Nagkaloob na ng psychosocial at financial assistance ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mahigit 2,500 overseas Filipino workers (OFWs) na naapektuhan ng nagpapatuloy na sigalot sa Middle East.

Ayon kay DSWD Assistant Secretary Irene Dumlao ng Disaster Response and Management Group, umabot na sa 2,110 repatriated individuals, karamihan ay mga OFW, ang nabigyan ng tulong ng pamahalaan pagdating sa Pilipinas.

“Agad na nagbigay ng psychosocial first aid (PFA) ang DSWD sa mga OFWs na bumalik sa ating bansa dahil sa tensyon sa Middle East. Bawat OFW na dumarating ay agad na ina-aassess ng mga social workers ng DSWD upang malaman kung ano pa ang mga interbensyon na kailangan nila,” ani Dumlao nitong Lunes.

Ang mga natulungang OFW ay dumating mula sa United Arab Emirates, Kingdom of Saudi Arabia, Israel, Iraq, Kuwait, Bahrain, at Qatar.

Nagbigay rin ang DSWD ng psychosocial first aid sa 409 OFWs na na-stranded sa mga paliparan sa UAE, Saudi Arabia, Bahrain, Kuwait, Ireland, Portugal, Iraq, at Oman dahil sa travel restrictions na dulot ng tensyon sa Gulf region.

Bukod dito, mahigit P1 milyon na financial assistance ang naipamahagi sa 203 repatriated OFWs, habang P300,000 na medical assistance naman ang ibinigay sa isang OFW.

Sinabi rin ni Dumlao na nagsimula na ang DSWD sa pagbibigay ng livelihood assistance sa mga nagbalik na OFW, kung saan limang benepisyaryo na ang tumanggap ng tig-P20,000 sa ilalim ng Sustainable Livelihood Program. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here