MANILA, Philippines – Kinumpirma ng National Security Council (NSC) nitong Lunes, Abril 13, na positibo sa cyanide ang ilang bote na narekober mula sa mga Chinese “sampans” malapit sa Ayungin o Second Thomas Shoal sa West Philippine Sea, bagay na nagbunsod ng pangamba sa posibleng sabotahe laban sa suplay ng isda at coral reef sa lugar ng BRP Sierra Madre.
Ayon kay NSC spokesperson Assistant Director General Cornelio Valencia Jr., narekober ng mga puwersa ng Philippine Navy ang mga dilaw na bote noong Pebrero 2025 at muli noong Okt. 24, 2025 mula sa mga Chinese fishing boat na nasa paligid ng BRP Sierra Madre (LS 57), na nakasadsad sa Ayungin Shoal. Aniya, nakumpirma sa isinagawang laboratory testing na may lamang cyanide ang mga bote.
“The National Security Council hereby announces that laboratory testing has confirmed that the yellow bottles recovered by the Philippine Navy from Chinese sampans operating in the immediate vicinity of BRP Sierra Madre (LS 57) at Ayungin Shoal tested positive for the presence of cyanide,” pahayag ni Valencia.
Sinabi ng NSC na ang kumpirmasyon ay batay sa laboratory analysis ng Forensic and Scientific Research Service ng National Bureau of Investigation (NBI).
Binigyang-diin ni Valencia na ang paggamit ng cyanide sa Ayungin Shoal ay maituturing na isang uri ng sabotahe na naglalayong patayin ang lokal na populasyon ng isda, na mahalagang pinagkukunan ng pagkain ng mga tauhan ng Navy sa BRP Sierra Madre.
“We wish to underscore that the use of cyanide in Ayungin Shoal is a form of sabotage that seeks to kill local fish populations, depriving Navy personnel of a vital food source,” ani Valencia.
Nagbabala rin siya na maaari ring mapinsala ng cyanide ang bahura sa lugar, na posibleng makaapekto sa pundasyon at katatagan ng BRP Sierra Madre.
“If the reef is severely damaged, it not only threatens LS 57’s stability, it also allows Beijing to fabricate an environmental crisis which it can then blame on the Philippines,” sabi ni Valencia. “It has in the past accused LS 57 of polluting the shoal in an effort to distract from its own illegal activities.”
Ang BRP Sierra Madre ay isang commissioned ship ng Philippine Navy na sadyang isinadsad sa Ayungin Shoal noong 1999 at nagsisilbing permanenteng himpilan ng maliit na contingent ng Marines, na umaasa rin sa yamang-dagat sa paligid para sa kanilang pagkain. Matagal nang iginigiit ng Beijing ang pagtanggal sa barko at madalas umanong humaharang ang coast guard at maritime militia vessels nito sa mga resupply mission ng Pilipinas.
Muling iginiit ni Valencia na nasa loob ng exclusive economic zone o EEZ ng Pilipinas ang Ayungin Shoal. Matatagpuan ito may humigit-kumulang 105 nautical miles mula sa Palawan at saklaw ng 200-nautical-mile EEZ ng bansa. Tinukoy rin niya ang 2016 Arbitral Ruling na nagbasura sa malawak na pag-aangkin ng China sa lugar, kahit patuloy pa ring dumadagsa ang mga Chinese vessel doon.
“The operation of Chinese vessels engaging in activities involving hazardous substances in this area is both irresponsible and unacceptable,” ani Valencia.
Sinabi ng NSC na inatasan na nito ang Armed Forces of the Philippines, Philippine Coast Guard, at iba pang kaugnay na ahensiya na paigtingin ang maritime domain awareness, palakasin ang mga patrol, at gawin ang lahat ng kinakailangang hakbang upang mapigilan ang karagdagang pinsala sa kapaligiran at mapangalagaan ang pambansang seguridad sa lugar.
“Let it be clear: the Philippines will not tolerate any act—whether by state or non-state actors—that endangers its personnel or the marine environment, violates its sovereign rights, or undermines peace and stability in the West Philippine Sea,” diin ni Valencia. Santi Celario