Home HOME BANNER STORY SALN ni VP Sara ‘di pa tatalakayin sa impeachment hearing

SALN ni VP Sara ‘di pa tatalakayin sa impeachment hearing

106
0

MANILA, Philippines – Hindi pa tatalakayin sa hearing ngayong Martes ang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN) ni Vice President Sara Duterte, ayon kay Assistant Ombudsman Mico Clavano.

Babalik na lamang ang Office of the Ombudsman sa susunod na pagdinig upang isumite ang mga dokumento.

Ayon kay Clavano, nais sanang dumalo ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla ngunit hindi na ito tumuloy matapos ipaalam ng House committee on justice na “will not be accommodated” ang kanilang tanggapan sa araw na iyon.

“We’re here because we obeyed, we complied with their subpoena,” ani Clavano sa mga mamamahayag.

Dagdag pa niya, “On the 22nd [of April], we will be back.”

Sinabi rin ni Clavano na patuloy pang kinokolekta ng Ombudsman ang SALN ni Duterte noong siya ay nasa Mindanao bilang opisyal, ngunit may “partial submission” na silang handa.

Nauna nang naglabas ng subpoena ang justice panel para sa SALN ni Duterte mula 2007 hanggang kasalukuyan.

Nasa yugto na ngayon ang komite ng impeachment process kung saan tinitingnan kung may sapat na ebidensya ang mga reklamo laban kay Duterte upang iendorso sa botohan ng mga mambabatas.

Kabilang sa mga alegasyon ang umano’y maling paggamit ng daan-daang milyong piso na confidential at intelligence funds mula sa Office of the Vice President at Department of Education noong siya ang kalihim nito.

Sinusuri rin si Duterte sa alegasyong nagkamal siya ng yaman na lampas sa kanyang idineklara at umano’y nagplano ng pagpaslang kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa first lady, at sa isang dating House speaker. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here