MANILA, Philippines – Nagbabala ang Commission on Elections (Comelec) laban sa mga nag-aalok ng tulong online sa pagkuha ng voter certificates kapalit ng bayad.
Paalala ng Comelec, huwag maniwala sa mga social media platform na umano’y nag-aalok ng mga naturang serbisyo.
Ayon sa Comelec, ang voter certificate ay libre at walang bayad nandapat kolektahin. Ang sertipiko ng botante ay ibinibigay sa kahilingan ng isang rehistradong botante. Ito ay isang dokumento na maaaring magsilbing temporary voter’s ID card.
Samantala, sinabi ng Komisyon na maaaring suriin ng mga aplikante para sa rehistrasyon ng botante ang kanilang mga katayuan sa pagpaparehistro online.
Para sa mga nag-apply sa pamamagitan ng Special Register Anywhere/Anytime Program (SRAP) o Register Anywhere Program (RAP) activities, maaari nilang tingnan ang kanilang status sa https://comelec.gov.ph/?r=VoterRegistration/ApprovedisApprovedRAP.
Ang mga aplikante ay pinapayuhan na pumunta sa website nito; hanapin ang ” Voter Registration ” tab at i-click ang “List of Register Anywhere Program (RAP) Approved/Disapproved Applicants”.
Piliin ang naaangkop na iskedyul ng pagdinig ng Election Registration Board (ERB) kung saan sila nagparehistro; pagkatapos ay i-click ang partikular na rehiyon, lungsod, o munisipalidad kung saan sila nakarehistro.
Batay sa pinakahuling datos nito, mayroon na ngayong kabuuang 9,163 indibidwal na nag-apply sa pamamagitan ng SRAP/RAP activities. Jocelyn Tabangcura-Domenden