AABOT sa 300 mag-aral mula sa City of Malabon University ang dumalo sa Programang “Responsableng Panonood” sa pangunguna ni MTRCB Chairperson Lala Sotto, kasama sina Mayor Jeannie Sandoval at MTRCB board members.
Nakatuon ang kaganapan sa responsableng paggamit ng media, kabilang ang MTRCB ratings system at RP Project framework para isulong ang ligtas at angkop na edad sa panonood ng mga Kabataan. JOJO RABULAN