Home METRO Higit P181M droga, nasamsam sa operasyon ng SPD

Higit P181M droga, nasamsam sa operasyon ng SPD

104
0

MANILA, Philippines – Nasamsam ng Southern Police District (SPD) ang tinatayang ₱181 milyon na halaga ng ilegal na droga at naaresto ang 104 na suspek sa isinagawang operasyon mula Abril 6 hanggang 12.

Ayon sa SPD, kabuuang 79 anti-drug operations ang isinagawa sa sakop nitong mga lungsod tulad ng Makati, Pasay, Taguig, Parañaque, Las Piñas, Muntinlupa, at Pateros.

Sa 104 na naaresto, 98 ang itinuturing na street-level individuals habang 6 ang high-value targets.

“Hindi kami uurong at lalong hindi titigil… Mas paiigtingin pa namin ang operasyon laban sa iligal na droga,” ani acting SPD chief Col. Glenn Oliver Cinco.

Kabilang sa mga nakumpiska ang humigit-kumulang 14,277.67 gramo ng shabu, 44.07 gramo ng marijuana, 1.3 gramo ng kush, at 41,421.36 milliliters ng liquid shabu na may kabuuang halagang ₱181,567,642.

Samantala, sa hiwalay na ulat ng Quezon City Police District (QCPD), 163 katao ang naaresto sa iba’t ibang operasyon mula Abril 5 hanggang 11.

Kabilang dito ang 74 drug suspects at 49 wanted persons, habang may mga naaresto rin sa ilegal na sugal kung saan halos ₱8,969 na bet money ang nakumpiska.

Ayon kay QCPD director Brig. Gen. Randy Glenn Silvio, naisampa na ang kaso laban sa ilang suspek sa piskalya. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here