Home NATIONWIDE ‘Zero income tax’ sa mga sumasahod ng P50K pababa, isinusulong ng solon

‘Zero income tax’ sa mga sumasahod ng P50K pababa, isinusulong ng solon

140
0

Manila, Philippines – Isinulong ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) ang isang panukalang “zero income tax” para sa mga manggagawang sumusuweldo ng ₱50,000 kada buwan at pababa.

Sinabi ni TUCP Party-list Rep. at House Deputy Speaker Raymond Democrito C. Mendoza na ang dapat maging aksyon ng gobyerno ay itaas ang sahod ng mga manggagawa, huwag buwisan ang mga ito, at sa halip ay ang mga mayayaman ang dapat na magbayad ng buwis.

“For far too long, the middle class has been squeezed dry and taken for granted by our tax system: pinipiga ang karaniwang manggagawa na bihirang makinabang sa ayuda, habang ang tunay na malalaki ang kinikita ay nakakalusot.”

Ang TUCP ay naghain ng House Bill No. 8860, na tinawag na Patas na Ambag sa Tax para sa Angat-Sahod (PATAS) Act, na ang pangunahing layunin ay isulong na ma-exempt sa income tax ang mga “lower middle-income earners,” ngunit dapat na buwisan ang mga bilyonaryo, ang mga kumita sa biglang pagsirit ng presyo ng gasolina, at ang mga kompanya ng kuryente.

“This PATAS Bill seeks to end that injustice by raising the income tax exemption to ₱600,000 annually and increasing the tax-exempt ceiling for 13th month pay and other benefits. Ibig sabihin, lahat ng kumikita ng ₱50,000 pababa kada buwan ay hindi na bubuwisan at ang bawat pisong pinaghirapan sa overtime, puyatan, at trabaho sa holiday ay buo nang maiuuwi sa pamilya,” giit pa ni Mendoza.

Giit pa ng mambabatas na ang pagbabawas sa buwis na dapat bayaran ng isang ordinaryong mamamayan ay malaking ginhawa sa binabalikat na krisis ngayon.

“Ito ang tunay na patas: bawas buwis sa naghihirap na ordinaryong Pilipino, habang ang sobrang yaman at sobrang pinagkitaan ang dapat mas buwisan.”

Upang may ipambawi ang gobyerno sa pagsasabatas ng PATAS Act, iminungkahi ng TUCP na ipatupad ang Solidarity Wealth Tax para sa mga bilyonaryong Pilipino, gayundin ang pagpapatupad ng Windfall Profits Tax sa mga korporasyon na nagsamantala, lalo na umano ang mga nasa industriya ng langis at petrolyo.

“The wealthiest and those who profit the most are in the strongest position to give more, and it is high time they do. By imposing a modest yet progressive 1–3% tax on Filipino billionaires, we can already generate close to half a trillion pesos in additional revenues annually. This is further strengthened by a 15–35% windfall profits tax, especially on the major players in the oil and electricity sectors that profit outrageously while the public pays the price and everyone else tightens their belts.”

Binigyang-diin pa ni Mendoza na dapat nang tapusin ang kawalan ng katarungang umiiral sa bansa.

“Wakasan na natin ang kawalang-katarungan: the Philippines cannot claim to be on the path to upper middle-income status while our minimum wage earners remain overworked and underpaid, and its middle class overtaxed yet underserved,” ani Mendoza.

— Meliza Maluntag

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here