MANILA, Philippines – NAGPULONG at nagpalitan ng kani-kanilang pananaw sina Executive Secretary Ralph Recto at Chinese Ambassador to the Philippines Jing Quan ukol sa relasyon sa pagitan ng Pilipinas at Tsina.
Ayon sa Chinese Embassy sa Maynila, ang dalawang opisyal ay nagpulong noong Abril 14 sa tanggapan ni Recto sa Palasyo ng Malacañang.
“The two sides exchanged views on China-Philippines relations, and a wide range of issues, including South China Sea, law enforcement cooperation, economic and trade ties, as well as people-to-people exchanges,” ang sinabi ng embahada sa isang social media post. (KRIS JOSE)