Home NATIONWIDE Pahayag ni Barzaga vs PBBM maituturing na ‘sedition’ – Malakanyang

Pahayag ni Barzaga vs PBBM maituturing na ‘sedition’ – Malakanyang

121
0

MANILA, Philippines – Mariing tinuligsa ng Malacañang nitong Miyerkules ang pahayag ni Cavite Representative Kiko Barzaga na nananawagan ng pagpapatalsik kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., at sinabing maituturing itong inciting to sedition.

Ito ay matapos pasinungalingan ni Palace Press Officer Undersecretary Atty. Claire Castro ang alegasyon ni Barzaga na ang Pangulo ang nasa likod ng kanyang pagkakakulong.

Sa press briefing, sinabi ni Castro na alam ni Barzaga kung sino ang tunay na nagsampa ng kaso laban sa kanya at iginiit na hindi ang Pangulo ang nagpakulong sa kanya.

“Iyan ang problema sa atin, ‘di ba. So, alam naman natin kung sino ang nagdemanda kay Congressman Kiko Barzaga. Alam din naman niya kung sino ang nagdemanda sa kaniya at alam din naman niya kung kailan siya humingi ng apologies dahil sa kaniyang ginawa – hindi ito maikakaila. So, paano niya masasabi na ang Pangulo ang nagpakulong sa kaniya. Hindi siya sinasampahan ng Pangulo ng anumang kaso kahit anong klaseng paninira ang ginagawa niya,” ani Castro.

Nang tanungin kung maituturing na inciting to sedition ang mga pahayag ni Barzaga, sumagot si Castro ng, “Obviously, yes.”

Sumuko si Barzaga sa mga awtoridad noong Lunes ng gabi matapos siyang isyuhan ng warrant of arrest ng Makati Regional Trial Court Branch 147 kaugnay ng mga kasong cyber libel. Nagpiyansa siya kalaunan at nakalaya rin.

Nag-ugat ang mga reklamong cyber libel sa Facebook post ni Barzaga noong Enero 9, kung saan sinabi niyang nakatanggap umano ng suhol mula sa negosyanteng si Enrique Razon ang mga kongresista ng National Unity Party sa ilang pagtitipon sa Solaire bago ang 2025 elections kapalit ng pagsuporta kay Speaker Martin Romualdez. A

ng mga naghain ng reklamo ay sina Razon, Deputy Speaker at Antipolo Representative Ronaldo Puno, at Manila Representative Rolando Valeriano.

Binanatan din ng Malacañang si Barzaga dahil sa kanyang mga pahayag laban sa Pangulo, kung saan sinabi ni Castro na ang mga tulad niya ay “fake news peddler, obstructionist, destabilizer, sakim sa kapangyarihan” at wala umanong konsensiya. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here