Manila, Philippines – In anticipation of the coming of their first child, isang fabulous baby shower ang idinaos ng mag-asawang Robi Domingo at Maiqui Pineda.
Intimate yet star-studded ang memorable event na ’yon na dinaluhan ng kanilang pamilya’t mga kaibigan sa industriya.
Ibinida ni Robi ang ilang photos sa kanyang Instagram Stories kung saan ramdam ang saya at good vibes sa mga gimik doon, which included parlor games, speeches, and heartwarming moments.
Nangabog din ang mga celebrity attendees na nagpamahagi ng kanilang mga biyaya sa would-be first-time parents.
Kabilang sa mga nakisaya ay sina Piolo Pascual, Darren Espanto, Donny Pangilinan, at Alora Sasam.
January 2024 nang ikasal sina Robi at Maiqui.
Bago ang baby shower, masayang ibinahagi ni Robi ang sonogram ng kanilang first baby.
Ang magandang regalo mula sa Itaas ay ang pagbuti ng kalagayan ni Maiqui, who was diagnosed with a different type of autoimmune disease.
The couple can’t be any more grateful sa magandang nangyayari sa kanilang buhay.