Home NATIONWIDE Aso ng PDEA, pinarangalan ng hero’s burial

Aso ng PDEA, pinarangalan ng hero’s burial

99
0

MANILA, Philippines – Pinarangalan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang narcotics detection dog na si “Trebor” sa pamamagitan ng hero’s burial noong Abril 15 dahil sa kanyang malaking ambag sa anti-drug operations sa Caraga Region.

Isinagawa ang seremonya sa PDEA Regional Office XIII sa Butuan City, kung saan nagpaalam ang kanyang mga kasamahan sa isang emosyonal ngunit tahimik na memorial service.

Ayon sa necropsy report, namatay si “Trebor” dahil sa komplikasyon na kaugnay ng kanyang lahi, sa kabila ng agarang medikal na atensyon.

Ang limang taong gulang na Belgian Malinois ay tumulong sa maraming operasyon laban sa ilegal na droga at nakapag-ambag sa pagkakasamsam ng malaking halaga ng droga.

Isa sa kanyang huling nagawa ay ang pagkakadiskubre ng humigit-kumulang 14 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng ₱95 milyon sa Lipata Port noong Marso 14, 2026.

“Known for his exceptional discipline, keen instincts, and loyalty, Trebor became a valued member of the unit and a symbol of commitment to public safety,” ayon kay PDEA Director General Isagani R. Nerez.

“This dog was more than an asset. It was a partner, a protector and a hero,” dagdag pa niya.

Ilalagay si “Trebor” sa PDEA K9 Honor Wall bilang pagkilala sa kanyang tapang, katapatan, at sakripisyo. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here