Home HOME BANNER STORY Madriaga, may pinangalanan nang hitmen — Remulla

Madriaga, may pinangalanan nang hitmen — Remulla

104
0

MANILA, Philippines – Sinabi ni Interior Secretary Jonvic Remulla na pinangalanan na umano ni Ramil Madriaga ang ilang contracted hitmen kaugnay ng kanyang mga alegasyon.

“It was an option from the very start. In fact, may mga na-name na siya na contracted hitman. I think it will come out in the future testimonies, lalabas pa,” ani Remulla sa isang panayam.

Sa kanyang supplemental affidavit na binasa sa House justice committee hearing, inakusahan ni Madriaga si dating Pangulong Rodrigo Duterte na umano’y nagplano ng assassination o kudeta laban kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kung hindi ito bababa sa puwesto pagsapit ng 2025.

Itinanggi naman ng kampo ni Vice President Sara Duterte ang mga alegasyon at tinawag itong “pure fiction” at walang ebidensya.

Ayon sa Malacañang, nasa National Bureau of Investigation (NBI) na ang desisyon kung iimbestigahan ang mga rebelasyon ni Madriaga.

Dagdag ni Remulla, palaging may banta sa Pangulo.

“There is always a credible threat against the President… The President is the most protected person in the Philippines,” aniya.

Samantala, minaliit din ni Remulla ang pahayag ni Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte laban kay Marcos.

“I don’t think so… Pero sup*t naman talaga. Puro dakdak, dakdak nang dakdak,” ani Remulla.

Nauna nang binatikos ni Baste Duterte ang administrasyon at sinabing, “Isang ulo lang naman ang kailangan namin. Ang ulo ni Bongbong Marcos.” RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here