LA TRINIDAD, Benguet – Umaabot sa halos mahigit kumulang na P2.8M halaga ng marijuana at shabu ang nasamsam sa isang tulak ang naaresto sa magkahiwalay na anti-drug operation sa ibat-ibang lugar dito sa Cordillera Administrative Region o CAR.
Sa isinagawang marijuana eradication operations ay nasamsam ang halos 2,880 fully grown marijuana plants at 10,300 grams na pinatuyong dahon na may marijuana stalks at fruit tops na may Standard Drug Price a P1.8 milyonsa pitong plantasyon sa Barangay Kayapa, Bakun at Barangay Badeo, Kibungan, Benguet.
Sa probinsya ng Kalinga naman ay nadiskubre na may plantasyon ng marijuana na nasamsam ang 5,000 puno na fully grown marijuana na nagkakahalaga P1M sa inilunsad na marijuana eradication operation ng Tinglayan Municipal Station ken 2nd Kalinga PMFC, Kalinga Provincial Police, kadua ti PDEA-Kalinga sa Barangay Ngibat, Tinglayan.
Ang mga nasamsam na marijuana ay agad na sinunog ng mga nasabing operatiba.
Samantala, isang tulak na 29 anyos ng illegal drugs o shabu ang naaresto sa isinagawang buybust operation sa Brgy. Babalag East, Rizal, Kalinga
Naaresto ang suspek matapos na bentahan ng nagpanggap na operatiba na buyer ng 0.8 grams na nagkakahalaga ng P5, 440.00
Nahaharap ang suspek sa kasong R.A 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 habang patuloy na iniimbestigahan ng otoridad kung sino ang nasa likod ng mga pananim na marijuana sa mga nasabing planrasyon. (REY VELASCO)