Home NATIONWIDE Loan program ng SSS palalawigin sa gitna ng mataas na presyo ng...

Loan program ng SSS palalawigin sa gitna ng mataas na presyo ng langis

103
0

MANILA, Philippines – Maglalabas ang Social Security System (SSS) ng hanggang ₱60 bilyon na relief measures para tulungan ang mga miyembro sa gitna ng pagtaas ng presyo ng langis at inflation dulot ng tensyon sa Middle East.

Malaking bahagi nito ay ilalaan sa pinalawak na Emergency Loan Program na may pondo na ₱27 bilyon.

Pinaluwag din ang requirements—kailangan na lang ng 18 buwang kontribusyon sa loob ng nakaraang 36 buwan. Maaaring umutang ng hanggang ₱20,000 ang kwalipikadong miyembro sa mas mababang interes na 7% kada taon, at may anim na buwang palugit sa pagbabayad.

Magiging available din ang micro loan program.

Bukod dito, maglalabas ang SSS ng humigit-kumulang ₱6.5 bilyon para sa maagang pagpapatupad ng dagdag-pensyon na ilalabas na sa Hunyo imbes na Setyembre.

Nagpatupad din ang ahensya ng penalty condonation kung saan papatawarin ang penalties sa hindi nabayarang loan ng mga miyembro at bibigyan ng restructuring options ang mga employer na may atraso sa kontribusyon. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here