Home TOP STORIES Digmaan sa Iran, nagpapahirap sa milyon-milyong mamamayan

Digmaan sa Iran, nagpapahirap sa milyon-milyong mamamayan

116
0

TEHRAn, Iran – Mahigit 93 milyong mamamayan sa Iran ang nabubuhay sa banta ng muling paglala ng digmaan kasunod ng bigong usapang pangkapayapaan sa pagitan ng Estados Unidos at Iran.

Matapos ang negosasyon, nagsagawa ang US ng blockade sa Iranian ports at mga barko sa Strait of Hormuz, na naglalayong pigilan ang kita ng Iran sa langis at ang paniningil nito sa pagdaan sa nasabing ruta. Dahil dito, nahihirapan nang makapasok ang mga produkto sa bansa.

Malaki rin ang pinsala sa ekonomiya ng Iran, na tinatayang umabot sa €229 bilyon ayon sa gobyerno.

Napilitang itigil ang operasyon ng ilang malalaking industriya tulad ng Mobarakeh Steel Company matapos ang pag-atake ng US at Israel, dahilan upang mawalan ng trabaho ang libu-libong manggagawa, kabilang ang tinatayang 10,000 day laborers.

Apektado rin ang petrochemical plants sa Asaluyeh, Mahshahr, at Shiraz, kung saan mahigit 30,000 manggagawa ang nanganganib mawalan ng trabaho at kita.

Bukod dito, nagkaroon ng mass layoffs sa iba’t ibang sektor, kabilang ang media at digital services. Marami ring freelancers ang nawalan ng hanapbuhay dahil sa internet restrictions at pagbagsak ng demand.

Sa tala ng human rights group na HRANA, mula Pebrero 28 hanggang Abril 8, umabot sa 3,636 ang namatay sa Iran, kabilang ang 1,701 sibilyan at hindi bababa sa 254 bata. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here