Home METRO Miyembro ng NPA utas sa engkwentro sa Surigao del Sur

Miyembro ng NPA utas sa engkwentro sa Surigao del Sur

115
0
via 401st Infantry "Unite N Fight" Brigade, Philippine Army

SURIGAO DEL SUR, Philippines – Isang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang nasawi sa engkwentro noong tanghali ng Miyerkules, Abril 15, sa liblib na bahagi ng Sitio Bulacan, Barangay Bolhoon, San Miguel, Surigao del Sur.

Ayon kay Col. Glenn Joy Aynera, commander ng 401st Infantry Brigade (401Bde), narekober ng pinagsanib na tropa ng 75th Infantry Battalion (75IB) at 3rd Special Forces Battalion ang limang high-powered firearms sa lugar.

“The operation was initiated following a tip-off from a resident who had grown weary of the presence of the Communist Terrorist Group (CTG) members, who reportedly extorted money and food supplies from the community,” ani Aynera.

Kinilala ang mga rebelde bilang mga natitirang miyembro ng Regional Operations Command (ROC) ng North Eastern Mindanao Regional Committee (NEMRC), na pinamumunuan ni Edilberto Reponte Daval, na kilala rin bilang “Ka Bong” o “Wako”.

Natagpuan ng mga sundalo ang bangkay ng isang “Ka Keroy,” miyembro ng ROC-NEMRC, matapos iwan ng mga rebelde ang kanilang pwesto.

Sa hiwalay na operasyon noong Linggo, iniulat ng 401Bde na nakarekober ang 75IB ng mga materyales sa paggawa ng improvised explosive devices (IEDs) sa Sitio Palompon, Barangay Mahaba, Marihatag, Surigao del Sur.

Kabilang sa mga narekober ang apat na galon ng nitro energetic molecule. Binigyang-diin ni Aynera na ang mga operasyong ito ay nagpapahina sa kakayahan ng mga natitirang CTG na magsagawa ng karahasan at sumisira sa kanilang sistemang suplay. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here