Home NATIONWIDE DA magpapatupad ng loan moratorium para sa magsasaka, mangingisda

DA magpapatupad ng loan moratorium para sa magsasaka, mangingisda

101
0

MANILA, Philippines – Magpapatupad ang Department of Agriculture (DA), sa pamamagitan ng Agricultural Credit Policy Council (ACPC), ng moratorium sa pagbabayad ng utang para sa mga kwalipikadong magsasaka at mangingisda bilang bahagi ng hakbang ng gobyerno laban sa krisis sa enerhiya at patuloy na pagtaas ng gastos sa produksyon.

Ayon sa DA sa pahayag nitong Huwebes, nakabatay ang hakbang sa Administrative Order No. 2, series of 2017, na nagtatakda ng guidelines ng Survival and Recovery (SURE) Program na nagbibigay ng tulong pinansyal sa mga apektado ng kalamidad, krisis, at iba pang economic disruptions.

Ang loan repayment moratorium ay alinsunod din sa deklarasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng State of National Energy Emergency.

Sa ilalim ng programa, ang mga DA-ACPC borrowers na may kasalukuyan at natitirang utang ay maaaring mag-apply para sa suspensyon ng pagbabayad hanggang isang taon, depende sa pagsusuri at pag-apruba ng partner lending conduits gaya ng government financial institutions, rural banks, at cooperative banks.

Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., bahagi ito ng mas malawak na koordinadong aksyon ng gobyerno.

“The loan moratorium is not a standalone measure, but part of a coordinated government effort involving financing institutions, local lending partners, and Department of Agriculture agencies working on rural resilience,” aniya.

“We are prioritizing immediate relief while strengthening long-term access to credit so our agricultural sector remains productive and stable despite external shocks, particularly rising fuel and fertilizer costs,” dagdag niya.

Sinabi ng DA na patuloy itong makikipag-ugnayan sa mga lending partners para sa maayos na pagpapatupad ng programa sa buong bansa.

Inaasahan namang makatutulong ang hakbang upang maiwasan ang loan defaults, mapanatili ang aktibidad sa rural economy, at suportahan ang food security ng bansa. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here