Home NATIONWIDE Probable cause sa impeachment case ni VP Sara, malinaw pa sa sikat...

Probable cause sa impeachment case ni VP Sara, malinaw pa sa sikat ng araw – Ridon

92
0

MANILA, Philippines – Para kay Bicol Saro Partylist Rep Terry Ridon malinaw na may probable cause para ituloy sa paglilitis ang impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.

Ayon kay Ridon, miyembro ng House Committee on Justice, na nang kanyang balikan ang record ng April 14 impeachment hearing ay masasabi nitong malinaw na naesbalisa na may probable cause ang reklamo laban sa Pangalawang Pangulo.

Nagbigay ang solon ng 5 dahilan kung bakit malinaw pa sa sikat ng araw na may batayan ang reklamo, una aniya, ay ang naging kumpirmasyon ng Commission on Audit(COA) na may iregularidad sa naging paggasta ng Office of the Vice President sa confidential fund, P73M pondo ang ipinababaklik kay Duterte.

Ikalawa ay ang kumpirmasyon ng National Bureau of Investigation na iisang tao o iilang tao lamang ang pumirma sa mga acknowledgment receipts (AR) para sa confidential funds, pangunahin na dito ang mga kakaibang pangalan na nakalagay sa resibo kabilang na ang  Mary Grace Piattos at iba pang kakaibang pangalan.

Ikatlo ay ang sertipikasyon ng Philippine Statistics Authorioty(PSA) na nagsasabing ang mga tao/ pangalan na nakasaad sa mga AR ay walang birth certificate sa kanilang data base, patunay ito na ang pawang fictitious names lamang na nakatanggap ng pera.

Ikaapat, ang naging findings ng Hosue Committee on Good Government kung saan doon unang nailatag ang mga partikular na ebidensya, dokumento, at detalye ukol sa naging pagganit ng confidential funds.

At panghuli ay ang testimonya ni Ramil Madriaga na syang umaktong bagman sa pamamahagi ng payola sa ilang mga inidbiwal na malapit kay Duterte.

Ang House Committee on Justice ay mayroon pang dalawang nakaiskedul na impeachment hearing, sa Abril 22 at Abril 29, kung saan pagbobotohan ng mga miyembro kung may probable cause para ihain sa Senado ang impeachment complaint at magkaroon ng full blown trial. Gail Mendoza

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here