CAVITE, Philippines – Patay ang dalawang katao dahil sa sumabog na tangke ng Liquified Petroleum Gas (LPG) sa isang bahay sa Dasmarinas City, Cavite, Huwebes ng umaga.
Sa report, kinilala ang mga nasawi na sina alyas Bryan, 20 at Honorio, 65, kapwa nakatira sa Diamond Village, Brgy Salawag, ng nasabing lungsod.
Batay sa ulat, bandang alas-9:06 ng umaga nang maganap ang insidente, nakarinig ang ilang residente ng malakas na pagsabog mula sa Block 21 Lot 1 Coral St., Diamond Village, ng nasabing lugar kasunod ng paglaki ng apoy.
Napag alaman na ang may-ari ng bahay at negosyo na Trijonetrics Corps ay kinilalang si alyas Greg 65, tubong Camsur.
Mabilis namanng rumesponde ang pamatay sunog kung saan dakong alas-9:55 ng umaga nang ideklara ng fire-out ni FCinsp Michael Joh Escano NG Dasmariñas City Bureau of Fire Protection kung saan nakita ang dalawang bangkay, isa ay natagpuang sa veranda habang ang isa pa ay sa labas ng bahay.
Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon sa nasabing sunog habang inaalam pa kung gaano kalaki o halaga na naging pinsalasa naturang insidente. MARGIE BAUTISTA