Home ENTERTAINMENT Derek, patung-patong ang problema!

Derek, patung-patong ang problema!

110
0

Manila, Philippines – Tila patung-patong na krus ang pinapasan ngayon ni Derek Ramsay.

Nagkasabay-sabay kasi ang mga dalahin ng aktor.

Ang kanyang ama ay may Stage 4 prostate cancer na nag-metasthasize o kumalat na sa buto nito.

Pero hanga si Derek sa ama na patuloy na nakikipaglaban.

Naggo-golf pa rin daw kasi ito na parang walang iniinda.

May sakit din ang kanyang ina, kaya ganoon na lang ang pagkataranta ni Derek.

Ang pinakanagpahirap daw sa kanya’y ang kinahinatnan ng pagsasama nila ni Ellen Adarna.

Totoong it weighed him down nang todo-todo.

Umaasa na lang daw si Derek he’d be able to spring back ngayong binalikan niya ang tinalikuran na niya–ang showbiz.

Obyus na naninibago uli si Derek pero aniya’y masasanay daw siya uli in no time.

Ang pagbabalik ni Derek…bow! Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here