MANILA, Philippines – Posibleng magkaroon ng panibagong rollback sa presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo dahil nananatiling mababa ang presyo ng imported oil sa unang tatlong araw ng trading ngayong linggo kumpara noong nakaraang linggo.
Batay sa datos mula Abril 13–15, negatibo ang galaw ng presyo ng mga sumusunod na fuel products: diesel na may posibleng bawas na ₱16.80 kada litro, gasolina na ₱3.20 kada litro, at kerosene na ₱2.60 kada litro.
May natitira pang dalawang araw ng trading na maaaring magpababa pa o magpataas sa inaasahang rollback.
Kung magpapatuloy, ito na ang ikalawang sunod na linggo ng price rollback kasunod ng limang sunod-sunod na malalaking price hike na umabot sa halos ₱90 kada litro sa diesel. RNT/MND