Home METRO Ilang lugar sa Metro Manila, nakaranas ng biglaang power outage

Ilang lugar sa Metro Manila, nakaranas ng biglaang power outage

161
0

MANILA, Philippines – Nakaranas ng biglaang brownout ang ilang residente sa Metro Manila nitong Huwebes matapos mag-ulat ang Meralco ng “temporary system imbalance” sa power supply.

Ayon sa power distributor, nagkaroon ng “sudden plant outage” na naging sanhi ng aberya. Hindi agad tinukoy ng Meralco kung aling mga power plant ang nag-trip at kung ilang kabahayan ang apektado, ngunit tiniyak nitong panandalian lamang ang pagkawala ng kuryente.

“Your power supply may have been affected by a temporary system imbalance… and may last for 10-15 minutes,” ayon sa pahayag ng Meralco.

Patuloy pang tinutukoy ang mga apektadong lugar, ngunit sinabi ng kumpanya na awtomatikong babalik ang kuryente sa loob ng humigit-kumulang 15 minuto. Pinayuhan din ang mga customer na matagal pa ring walang kuryente na makipag-ugnayan sa customer service.

Ang Pilipinas ay madalas makaranas ng pressure sa power grid tuwing mataas ang demand, na nagreresulta sa “yellow” o “red” alert kapag bumababa ang supply reserve.

Gayunman, nauna nang sinabi ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na wala silang nakikitang posibleng yellow o red alert hanggang Hunyo. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here