Manila, Philippines – Usap-usapan ng mga tsismosang kapitbahay ang tungkol sa diumano’y pag-regalo ng gift ni Enrique Gil sa kanyang rumored dyowang si Andrea Brown.
Natalakay din ito sa online show ng talent manager turned YouTuber na si Ogie Diaz.
May mga nakapansin kasing mga katikatera na diumano’y ang regalong necklace ng isang fan sa aktor ay suot ni Andrea.
Dahil dito, nagkaroon ng iba’t-ibang kuru-kuro ang mga nagmamarisol.
Sey ng ilan, may nagtatampo raw sa aktor dahil ang kuwintas na bigay dito ay iniregalo nito kay Andrea.
May mga nag-e-emote pa na diumano’y di pinahalagahan ni Enrique ang pinaghirapang regalo ng kanyang kafaneyan.
Pagtatanggol naman ni Mama Ogs, hindi dapat maging padalus-dalos sa panghuhusga kay Enrique.
In the first place, prerogative naman nito kung sino ang reregaluhan.
Hirit pa niya, wala rin namang masama kung talagang ibinigay ni Enrique kay Andrea ang naturang necklace.
Maybe, hindi naman niya kailangan o trip lang niyang magbigay.
Hindi na rin daw dapat na maging big deal ito lalo pa’t matagal na ring break ang actor sa ex nitong si Liza Soberano, na natsistsismis na may bagong dyowa.
Dagdag pa niya, may posibilidad din daw na galing sa fan ang nasabing necklace na ka-combo ng kay Enrique.
Anyway, bukas naman ang pahinang ito sa panig ni Enrique tungkol sa isyu. Archie Liao