Manila, Philippines – Ang J.G. sa teaser ng Star Magic with caption na: “Just a Glimpse of what’s to come” dated 4.13.2026 ay walang ibang pinatutungkulan kundi si Janine Gutierrez.
Sa madaling salita, ito ang bagong mag-aalaga sa career ng aktres mula sa poder ng LVD Artist Management Corp. ni Leo Dominguez.
Bago inalagaan ng LVD, galing si Janine sa GMA Artist Center.
Napag-alamang early this year pa noong magpaalam nang maayos si Janine sa LVD.
Nauna nang umalis doon si Paulo Avelino pagkamatay ni Leo noong May 2024.
Bale June 2025 noong opisyal na inanunsyo ng Star Magic ang paglipat ni Paulo–na nagmula din sa GMA.
Wala na din sa LVD si James Blanco whose career now is being handled by CreaZion Studios Artists.
Si Janine lang ang umalis sa LVD pero nananatiling ito pa rin ang namamahala sa career ni Lotlot de Leon, ina ng aktres. Ronnie Carrasco III