Home NATIONWIDE FL binati ni PBBM sa ika-33 wedding anniversary

FL binati ni PBBM sa ika-33 wedding anniversary

90
0

MANILA, Philippines – NAGPAABOT nang pagbati si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kay Unang Ginang Liza Marcos para sa kanilang ika- 33 taong pagsasama bilang mag-asawa.

Sa social media post ng Pangulo, sinabi nitong sa lahat ng pagkakataon ay magkasama nilang tinahak ang lahat ng bagay, imaging ito man ay para sa pamliya o may kaugnayan sa trabaho.

“33 years of marriage. Through every season, in family, in work, and in everything in between, we have walked it together,” ayon sa post sa Pangulo.

“You have been my constant. Steady, wise, and always looking after our family, while never losing sight of others. Happy anniversary, Liza,” aniya pa rin.

Kasabay ng pagbati ng maligayang anibersaryo ay nagpasalamat din si Pangulong Marcos kay Unang Ginang Liza sa buhay na kanilang binuo na magkasama.

“Thank you for the life we have built together. ❤️” aniya pa rin. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here