Home NATIONWIDE Matataas na armas ng mga terorista, narekober sa Isabela

Matataas na armas ng mga terorista, narekober sa Isabela

92
0

SAN MARIANO, Isabela – Narekober ng pulisya at kasundaluhan ang matataas na armas ng pinaniwalaang Communist Terorist Group o CTG sa Barangay Disulap, San Mariano, Isabela.

Sa direktiba ni PCol. Manuel Bringas, Provincial Director ng Isabela Police Provincial Office o IPPO sa pinaigting na anti-criminality at combat operations na sumasaklaw sa mga barangay ng Dibuluan, Disulap, at San Jose sa nasabing bayan ay narekober ang dalawang (2) piraso Mine, APERS, improvised (IED components); Sampung (10) piraso Cap, Blasting, Non-electric; dalawang (2) rounds Grenade, Rifle, (M76 HE) with Bull trap and Caninster; limang (5) rounds Cartridge, 40mm,high-explosive dual-purpose cartridges; labing anim (16) rounds Cartridge, 7.62mm Ball linked; tatlong (3) piraso 1/4 pounds ammunition; C4 high explosives; limang (5) meter fuse, time commercial ; dalawang (2) piraso Revolutionary Book; dalawang (2) piraso Pouch Magazine long at isang (1) piraso na ibag pack.

Batay sa ibinahaging impormasyon mula sa isang dating rebelde na kilala sa alyas “Juan,” agad na nagsagawa ng operasyon ang pinagsanib na pwersa ng 4th Platoon, 1st IPMFC sa pangunguna ni PLt.Samuel Coloma, katuwang ang PIU-IPPO, Isabela PECU, RIU2, at 95th Infantry Battalion, Philippine Army.

Ang narekober na kagamitan ay agad na dinala sa 1st IPMFC Headquarters para sa kaukulang dokumentasyon at pansamantalang kustodiya habang ang mga eksplosibo at IED components ay isinailalim sa tamang disposisyon ng Isabela Provincial Explosive Ordnance Disposal and Canine Unit (PECU).

Matandaan ang lalawigan ng Isabela ay idineklarang insurgency free. REY VELASCO

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here