MANILA, Philippines – PERSONAL na binisita ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., araw ng Biyernes ang Benguet Agri-Pinoy Trading Center (BAPTC) sa La Trinidad, Benguet para inspeksyunin ang farm inputs at mga kagamitan para sa pamamahagi sa farmer cooperatives at asosasyon.
”Patuloy naman ang ating mga initiative kung mayroon pa… Kaya na – mabuti at nakausap ko ‘yung mga iba na nagtitinda rito para ‘yung kanilang mga suggestion kung ano sa palagay nila ang kailangan pang gawin,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.
Bukod dito, ininspeksyon din ng Pangulo ang Spot Trading Building 2 (Wholesale Area), kung saan ang post-harvest activities ay isinasagawa, nakipag-usap din siya sa mga magsasaka at mga stakeholders sa Cordillera highland vegetable industry.
Binigyang diin ng pagbisita ng Pangulo ang commitment ng gobyerno na palakasin ang agricultural value chain sa pamamagitan ng pagpapahusay sa ‘market efficiency, price stability, at supply distribution.’
Samantala, sinabi ni Pangulong Marcos na patuloy na mino-monitor ng administrasyon ang situwasyon para pagaanin ang paghihirap ng publiko mula sa epekto ng krisis sa Gitnang Silangan. KRIS JOSE