Home METRO 2 indibidwal, huli sa granada at baril sa Caloocan

2 indibidwal, huli sa granada at baril sa Caloocan

96
0

MANILA, Philippines – SWAK sa loob ng rehas na bakal ang dalawang lalaki nang maaresto ng pulisya dahil sa pagdadala ng baril at granada sa Caloocan City.

Sa ulat ni Caloocan Police Chief P/Col. Joey Goforth kay NPD Acting Director P/BGen. Christopher Dela Cruz, nagsagawa ng beripikasyon ang kanyang mga tauhan matapos ang natanggap na impormasyon hinggil sa dalawa umanong armadong lalaki na gumagala sa Barangay 73, ng lungsod at naghahanap umano ng taong konektado sa kanilang ilegal na aktibidad.

Pagdating sa lugar, naispatan ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section WSS ng Caloocan Police ang dalawang lalaki na kapwa may sukbit na baril sa kanilang baywang.

Gayunman, nang mapansin ng dalawang lalaki ang presensya ng mga pulis ay tumakbo umano ang mga ito para tumakas kaya hinabol sila ng mga park.

Nang makorner, pumalag pa umano ang mga ito subalit, nagawa rin silang maaresto ng mga pulis at nakumpiska sa 36-anyos na kelot ang isang kalibre .45 pistol na kargado ng bala at isang hand grenade.

Nakuha rin sa 40-anyos na suspek ang isang kalibre.38 revolver na kargado din ng bala at nang hanapan sila ng kaukulang mga dokumento hinggil sa naturang mga armas ay walang naipakita ang mga suspek.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong Disobedience to a Person in Authority, at mga paglabag sa firearm laws, at illegal possession of explosives. Merly Duero

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here