MANILA, Philippines – Patay ang limang bata sa Marawi City matapos malunod nitong Huwebes, Abril 16.
Dahil dito ay umapela ang mga awtoridad sa mga magulang na bantayang mabuti ang kanilang mga anak.
Sa ulat ni Col. Caesar Cabuhat, Lanao del Sur Police director, naglalaro ang lima sa anim na bata sa isang maliit na lawa sa likod ng kanilang tirahan bandang alas-11 ng umaga sa Phase 2, Permanent Shelter, Barangay Panoroganan, Marawi City.
“The fatalities ranged in age from 7 to 11 years old, all residents of Marawi City,” ani Cabuhat sa panayam sa radyo.
Nakaligtas naman ang walong taong gulang na batang babae na residente ng Barangay Mipantao Gadongan at ikinwento sa pulisya kung paano nangyari ang trahedya.
Sa imbestigasyon, ginamit ng nakaligtas na menor de edad ang isang sirang refrigerator bilang isang improvised flotation device at itinutulak siya ng mga kasamahan patungo sa gitna ng lawa sa kanilang paglalaro.
“While pushing it toward the deeper part of the water, she lost her balance and fell into the pond. Her companions tried to rescue her by swimming toward her. However, as they reached the deep part of the pond, they began to drown,” ani Cabuhat.
Matapos ang ilang oras ng rescue at retrieval operation ay narekober ang lahat ng anim na menor de edad na dinala sa Amai Pakpak Medical Center.
Idineklara namang dead on arrival ang lima sa mga ito. RNT/JGC