Home NATIONWIDE Zaldy Co agad binisita ng mga opisyal ng Pilipinas sa Prague

Zaldy Co agad binisita ng mga opisyal ng Pilipinas sa Prague

99
0

MANILA, Philippines – Agad na binisita ng mga opisyal ng Pilipinas ang dating mambabatas at puganteng si Zaldy Co sa Prague, Czech Republic kasunod ng pagkakaaresto rito, ayon kay Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla nitong Biyernes, Abril 17.

Sa panayam, naaresto umano si Co bandang alas-3 ng hapon sa Prague dahil sa pagbiyahe nang walang valid travel documents.

Ito ay matapos na makansela ang kanyang Philippine passport at bigo ring maipakita ang kanyang Portuguese passport.

“Yes,” ayon kay Remulla nang tanungin kung may bumisita nang opisyal ng Pilipinas kay Co sa Prague.

“‘Yung ating police attache nandoon na, nagco-coordinate, as well as very vigorous ang coordination ng ating DFA (Department of Foreign Affairs) dito sa local and international counterparts para mabilis ang kanyang deportation papunta rito,” dagdag pa niya.

Ani Remulla, nasa maayos na kalusugan din ang dating mambabatas.

“Ang balita namin, healthy naman. Healthy enough to travel. Naka-kotse lang siya umikot ng Europe. So I guess he’s healthy. Wala kaming exact medical report pero you would deduce that he is healthy enough to travel by car around Europe,” dagdag pa.

Nakikipag-ugnayan na ang Pilipinas sa pamamagitan ng Department of Foreign Affairs (DFA), sa Czech counterparts nito para sa posibleng repatriation. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here