Home NATIONWIDE Paaralan ‘di maaaring panagutin sa ingay sa mga regular na aktibidad –...

Paaralan ‘di maaaring panagutin sa ingay sa mga regular na aktibidad – SC

101
0

MANILA, Philippines – Nilinaw ng Korte Suprema na hindi maituturing na nuisance ang ingay mula sa regular na aktibidad ng paaralan at hindi ito sapat na batayan para papanagutin sa danyos ang isang eskwelahan.

Sa desisyong isinulat ni Associate Justice Samuel H. Gaerlan, kinatigan ng Supreme Court Third Division ang petisyon ng Couples for Christ School of the Morning Star at binaligtad ang naunang pasya ng Court of Appeals na kumampi sa mga residente ng Saint Joseph Subdivision sa Barangay Villa Kananga, Butuan City.

Ayon sa SC, ang ingay mula sa mikropono, laro, at iba pang aktibidad ng paaralan ay bahagi ng normal na operasyon nito at hindi lalampas sa inaasahang tunog mula sa ganitong institusyon.

Dagdag pa rito, napatunayang may sapat na permit ang paaralan, sumunod ito sa limitasyon ng ingay, at gumawa ng hakbang para mabawasan ang istorbo.

Sa desisyon, hindi napatunayan ng mga residente na ang ingay ay nagdulot ng seryosong pinsala sa kalusugan o labis na pagkaabala na lampas sa nararanasan ng isang karaniwang tao.

Sumunod din sa itinakdang limitasyon ng ingay at may sapat na permit ang paaralan.

Bukod dito, ipinakita rin na may mga ginawang hakbang upang mabawasan ang ingay na ayon sa SC ay maituturing lamang na nuisance kung ito ay nakapipinsala sa kalusugan o labis na nakaiinis sa isang ordinaryong tao at hindi dahil lamang sa pagiging sensitibo sa tunog sa kanilang kapaligiran. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here