Home NATIONWIDE P285K illegal fuel nasabat sa checkpoint sa Northern Samar

P285K illegal fuel nasabat sa checkpoint sa Northern Samar

78
0

MANILA, Philippines — Aabot sa ₱285,120 halaga ng ilegal na petroleum products ang nasabat ng pulisya sa isinagawang checkpoint sa Mapanas, Northern Samar, madaling araw ng Abril 17.

Nahuli ang tatlong suspek matapos sitahin ang isang Isuzu NHR truck sa Barangay Del Norte na may kargang 176 na lalagyan ng gasolina na walang kaukulang permit.

Kinilala ang mga naaresto bilang isang 45-anyos na driver mula Caloocan, kasama ang dalawa pang lalaki na edad 25 at 20 mula sa Laoang at Palapag.

Ayon sa pulisya, bigong makapagpakita ng dokumento ang driver na magpapatunay na legal ang transportasyon ng gasolina, dahilan para sila ay arestuhin sa paglabag sa mga batas ukol sa distribusyon at bentahan ng petroleum products.

Nasa kustodiya na ng Mapanas police ang mga suspek at ebidensya habang inihahanda ang kaukulang kaso laban sa kanila.

Sinabi ni Northern Samar police director Col. George Buyacao Jr. na bahagi ito ng pinaigting na kampanya laban sa ilegal na fuel trade, lalo na sa gitna ng tumataas na presyo ng langis.

Binigyang-diin niya na ang ganitong gawain ay hindi lamang labag sa batas kundi naglalagay rin sa panganib sa mga konsyumer at lehitimong negosyo. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here