MANILA, Philippines – Kumbinsido ang liderato ng Kamara na unang maproteksyunan ang mga manggagawang Pinoy, ang mga nasa middle class,malilitt na kompanya upang mapanatili ang katatagan ng ekonomiya sa bansa sa gitna ng krisis sa produktong petrolyo.
Sa ikatlong pagdinig ng Legislative Energy Action and Development (LEAD) Joint Committee, na pinangungunahan ni Marikina City Rep. Miro Quimbo ay ipinahayag ni House Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III, na dapat maunang matulungan ang mga manggagawa upang balansehin ang pagkakaloob ng ayuda.
“Sa aking mga kasamahan, tungkulin nating hanapin ang tamang balanse sa pagitan ng agarang tulong at pangmatagalang solusyon, hindi lamang para sa mga pinakanangangailangan, kundi para sa mga manggagawa at mga negosyong nagpapatakbo ng ating ekonomiya,” ani Quimbo.
“Sapagkat sila man ay matinding tinatamaan din ng krisis, at kapag sila ang bumigay, kasunod nitong mayayanig ang ating ekonomiya.”
Ayon sa mambabatas, ang atas ni Dy bilang chairman na rin ng House Committee on Ways and Means, na unahin ang pakikipagtalakayan sa mga sektor na unang naaapektuhan ang mga buhay na pang-araw-araw.
“For today’s session, upon the instruction of Speaker Bojie Dy, we will continue our discussions with a focus on key sectors that directly shape the daily lives of our people.”
Giit ni Quimbo na sa mga nagdaang pagdinig ay lumalabas na hindi ang suplay ang kulang o problema kungdi ang lumiliit na purchasing power ng mamamayan.
“In our last two LEAD Joint Committee meetings, one reality has become unmistakable: the true threat of this energy crisis is its creeping impact on our domestic economy. Rising oil prices are pushing up the cost of living, steadily eroding the ability of Filipino families to meet their daily needs. And if this continues, many will struggle just to get by.”
Aniya, kahit patuloy na matatag ang suplay ng langis ay mataas naman aniya ang presyo nito na naka-aapekto na sa mamamayan.
“Tumataas ang presyo ng langis, tumataas ang presyo ng pagkain, at unti-unting nababawasan ang kakayahang bumili ng ating mga mamamayan. Ito ang sektor na kadalasang hindi saklaw ng ayuda kahit sila’y nalulunod din sa pagtaas ng bilihin. They are one major crisis away from falling below the poverty line.” Meliza Maluntag