MANILA, Philippines – Isinulong ng ilang mambabatas ang panukalang ibalik ang fuel price regulation.
Ang “Fuel Price Stabilization and Energy Security Act,” ay inihain ni Manila Rep. Joel R. Chua sa pagsasabing ‘Ibalik natin ang power ng gobyerno.’
Sa ganitong paraan ayon sa mambabatas ay hindi mawawala ang kapangyarihan ng pamahalaan na maprotektahan ang mga Pilipino mula sa nakagugulat na pagtataas ng presyo ng langis bunsod ng tensyon sa Middle East.
Ang House Bill (HB) No. 8839, or “Fuel Price Stabilization and Energy Security Act,” ay naglalayong maitayo ang Fuel Regulatory Board, ang bagong Oil Price Stabilization Fund, at makapagtatag ng Strategic Fuel Reserve bilang bahagi ng inisyatiba na makapaglatag ang gobyerno ng mga pamamaraan upang maibsan ang binabalikat ng taumbayn sa tuwing may krisis sa langis.
“House Bill 8839 or the proposed ‘Fuel Price Stabilization and Energy Security Act’ effectively discards provisions of the Oil Deregulation Law of 1998 and returns to the government the power to intervene when fuel prices and supplies are abnormal,” ayon kay Chua.
Nakapaloob sa panukala ang isang polisiya na matagal ng dapat naipatupad.”the government must once again have enough authority to temper sudden spikes in gasoline and diesel prices before these spill over into fares, food costs and household expenses.”
Ang nakikita ni Chua na sagwil sa kasalukuyang setup ay kapag tumataas ang presyo ng langis sa ibang bansa ay ang comsumers mismo ang bumabalikat sa bigat.
“Sa kasalukuyang kalakaran kasi, kapag sumirit ang presyo ng langis sa world market, diretso agad ang hagupit nito sa bulsa nating mga Pilipino. Halos walang magawa ang gobyerno. Sa panukalang ‘Fuel Price Stabilization and Energy Security Act’ magkakaroon na ng malinaw na mekanismo para maprotektahan ang Pinoy consumers,” dagdag pa ni Chua.
Sa panukalang ito ay bubuuin din ang five-member Fuel Regulatory Board na siyang tatayong chairperson, dalawang eksperto sa energy economics, petroleum engineering, o energy policy, isang consumer sector representative, at transport sector representative.
“The Fuel Regulatory Board will have, among others, powers to regulate fuel prices, set temporary price bands or price ceilings, and investigate and prevent anti-competitive practices.” Meliza Maluntag